𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗘Ñ𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗤𝗨𝗔𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦

Cauayan City – Tinututukan ngayon ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga kababaihan sa lungsod ng Cauayan pagdating sa Aquaculture at Fish Processing.

Kamakailan lamang, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month ay isang programang pangkabuhayan ang inilunsad ng LGU Cauayan katuwang ang City Agriculture Office, Office of the Provincial Agriculturist, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2.

Tampok sa programang ito ang pagsasanay at paghahatid ng kaalaman sa mga Cauayeña pagdating sa tamang pamamaraan at pagpapalago ng mga isda katulad ng Hito at Tilapia.

Maliban dito, itinuro rin sa mga kababaihan ang pagpoproseso ng isda katulad ng tinapang isda at tapang tilapia bilang alternatibong kabuhayan.

Bilang tulong sa kanilang sisimula, nakatanggap ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC), Cauayan City Green Ladies Organizations, at SM Kabalikat ng Tilapia Fingerings at Fish feeds.

Facebook Comments