Binigyan diin ng Department of Health – Center for Health Development 1 ang kahalagahan ng kaalaman ng publiko pagdating sa sakit na leukemia kasabay na rin ng obserbasyon ng World Leukemia Awareness Month.
Ayon kay Ilocos Sur Medical Center Pediatrician Dr. Rogeline Gileria, dapat na maging maalam ang isang tao sa sintomas ng naturang kondisyon dahil makatutulong ito upang matulungan ang mga may sakit na ito na agad madiagnosed at mabigyan ng sapat na atensiyong medikal.
Nakatutulong rin umano ang mga suportang natatanggap mula sa mga fundraising at donation sa mga childhood cancer research.
Isinusulong rin ng kagawaran na mapag-usapan sana sa senado ang iba pang usapin tungkol sa childhood cancer research at maging lunas para rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments