
Cauayan City – Nakahanda ang buong pwersa ng kapulisan ng Isabela sa pagpapatupad ng maayos at payapang halalan ngayong darating na National and Local Elections 2025 (NLE).
Una rito, ayon kay Isabela Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Lee Allen Bauding, nakalatag na ang 24/7 COMELEC Checkpoints sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan upang mabantayan ang pagpapatupad ng Gun Ban kaugnay sa NLE 2025.
Katuwang nila sa pagbabantay sa mga checkpoints ang Armed Forces of the Philippines maging ang Philippine Coast Guard, upang matiyak na ang lahat ay tatalima sa umiiral na polisiya at ordinansa ngayong panahon ng eleksyon.
Ayon kay PCOL Bauding, may nakalatag ng security plan sa bawat munisipalidad at lungsod sa lalawigan upang masiguro na magiging mapayapa ang buong Election Period.
Dagdag pa nito, 90% ng PNP Personnels sa bawat police stations ay nakadeploy sa kalsada at iba pang pampublikong lugar upang mas ma-monitor pa ang sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.