๐—ž๐—”๐—ฅ๐—š๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ฅ๐——๐—”๐—ก๐—˜๐—ง๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ ๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang trentaโ€™y dos anyos na kargador matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa Urdaneta City.

Ang suspek ay nakilalang si Marvin Alvarez, residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas kwatro ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments