𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Pinaghahandaan ng Lungsod ng Cauayan ang isasagawang kasalang bayan bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong Pebrero 2025.

Layunin ng pagdiriwang na bigyang-diin ang kahalagahan ng civil registration kaya naman inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ang mga magkasintahan sa lungsod na lumahok sa inaabangang kasalang bayan na magaganap sa February 10, 2025 sa Isabela Convention Center.

Ang mga magkasintahan na nais na makilahok sa kasalang bayan ay kailangang magdala ng mga pangunahing dokumento, kabilang ang valid ID o National ID, birth certificate, at Certificate of No Marriage Record (CENOMAR), habang ang nasa edad 18 hanggang 24 ay kailangan ding magpasa ng parent’s consent o advice.


Ang huling araw ng pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento ay sa January 27, 2025.

Facebook Comments