𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝗞

Umakyat pa sa higit limang libo ang bilang ng kaso ng dengue na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), kabuuang bilang na 5,224 ang dengue cases mula Enero hanggang nitong Septyembre ngayong taon.

Ilan sa mga bayan na nasa watchlist ng PHO ay ang Basista, Bani, Binmaley, Bolinao, Bugallon, Labrador, Lingayen, Urbiztondo, Sual at Alaminos at Dagupan City.

Patuloy na pinag-iingat ang mga Pangasinense sa bantang posibleng maidulot ng sakit lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan.

Samantala, hinimok ang publiko na sakaling makaranas ng sintomas nito ay pumunta na sa pinakamalapit na center o ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments