𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔; 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛𝗜𝗦𝗘 𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪𝗔𝗟, 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗡𝗜𝗡

Cauayan City – Matumal parin ang kita ng mga tricycle drivers sa Lungsod ng Cauayan ngayong unang buwan ng taon.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Charlie Primolito Alonzo, isang tricycle driver, umaabot lamang sa ₱300 hanggang ₱600 ang kanilang pang-araw-araw na kita, kung saan hindi pa kasama ang gastos sa gasolina.

Bukod sa mababang kita, hinaing rin ng mga driver ang panukalang gawing taunang proseso ang pag-renew ng kanilang prangkisa.


Para sa kanila, isa itong dagdag na pasanin dahil bukod sa mahal ang magagstos sa processing ng mga requirements, kakailanganin pa nilang gumugol ng oras sa pag-aasikaso ng mga papeles.

Mas makabubuti umano kung panatilihin ang kasalukuyang sistema upang hindi na sila mahirapang tugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Hiling nila sa lokal na pamahalaan na pag-aralan muli ang panukala at isaalang-alang ang kanilang sitwasyon.

Umaasa silang maririnig ang kanilang hinaing upang hindi na madagdagan ang kanilang hirap sa kabila ng matumal na kita.

Facebook Comments