๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ช๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ช, ๐—ก๐—”๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ž๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ข๐—”๐—–

Patong – patong na kasong pagnanakaw na ngayon ang kinakaharap ng isang trentay uno anyos na lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw sa isang bahay sa bayan ng Laoac.
Ang suspek ay nakilalang si Edgar Rayray residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ang suspek na pumasok sa bahay ng isang mag anak sa kanilang lugar at ipinupuslit ang mga gamit ng mga ito.

Nang napansin nito na nakita siya at sinubukan umano nitong magtago sa isang sewage canal subalit nakita ito at narecover ang isang unit ng Aircon at ilang gamit na ninakaw nito.
Nahaharap na ngayon sa kasong robbery ang suspect at napag alaman pa sa imbestigasyon na wanted ito dahil nahaharap din sa katulad na kasong robbery ang suspek at lumabas ang Warrant of Arrest nito nitong buwan ng Marso. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ
Facebook Comments