π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—šπ—¨π—›π—” π—‘π—š π—¦π—›π—˜π—Ÿπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—š, π—‘π—”π—Ÿπ—¨π—‘π—’π——

Nalunod sa ilog ang isang 51 anyos na lalaki matapos umanong kumuha ng shell sa Agno River, Barangay Sawat Urbiztondo Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Danilo Tapiador, residente sa nabanggit na lugar. Ayon sa kanyang kaanak pasado alas singko ng hapon nang lumusong ito sa ilog upang sumunod sa mga grupo ng kalalakihan na nangunguha ng shell sa ilog.

Nang marating ng biktima ang malalim na parte ng ilog dito na siya nalunod at tinangay ng agos.

Narekober ang katawan ng biktima 9: 45 ng umaga kahapon. Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan na iwasang magpunta sa ilog ngayong panahon ng tag-ulan dahil sa panganib na dala ng malakas na agos ng tubig sa ilog. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments