𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗚𝗨𝗡 𝗕𝗔𝗡

Cauayan City – Sa patuloy na kampanya laban sa iligal na droga, matagumpay na naisagawa ang isang buy-bust operation sa Brgy. Divisoria Norte, Maddela, Quirino.

Naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang si alyas “Joey,” residente ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at isang .38 caliber na baril na walang serial number at tatak, kasama ang dalawang (2) bala.

Matapos ang pagkakaaresto, agad siyang dinala sa Maddela Police Station para sa dokumentasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, RA 10591 Illegal Possession of Firearms and Ammunition, at Omnibus Election Code dahil sa paglabag sa gun ban.

Facebook Comments