๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—”๐—– ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ ๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ

Kalaboso ang isang kwarenta y sais anyos na lalaki matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Rosales.

Ang suspek ay nakilalang si Essex Polintan residente ng bayan ng Paniqui sa lalawigan ng Tarlac.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas onse ng umaga na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng Apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .52 grams at nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na isa ring street level individual sa usapin ng illegal drugs sa nasabing bayan. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments