𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧

CAUAYAN CITY- Malamig na rehas ngayon ang hinihimas ng isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Purok 1 Brgy. Ambalatungan, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bards”, residente ng Purok 3 Brgy. Centro West, Santiago City.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (2) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at P4,500 na ginamit bilang buy-bust money.


Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng Santiago City Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments