Saturday, November 14, 2026

π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘π—š π—ͺπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—”π—‘π—š 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗖π—₯π—˜π—˜π—ž 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬

CAUAYAN CITY, ISABELA β€” Natagpuan nang wala nang buhay ang isang 56 anyos na lalaki sa isang sapa na konektado sa Cagayan River sa Barangay Labinab, Cauayan City, Isabela kahapon.

Kinilala ang biktima bilang isang residente ng Purok 2 sa nasabing barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon noong Oktubre 28 nang umalis ang biktima sa kanilang tahanan habang dala ang mga gamit sa pangingisda at nagtungo sa isang sapa sa Purok 6 upang mangisda.

Gayunman, hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay kaya humingi ng tulong ang pamilya sa Rescue 922 para sa pagsasagawa ng search and retrieval operation.

Hindi naging matagumpay ang unang paghahanap hanggang sa natagpuan ng isang kaanak ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga kinabukasan sa sapa sa Purok 2, Barangay Labinab.

Agad namang nakuha ang katawan ng biktima at dinala sa pampang bago isinailalim sa kaukulang pagsusuri.

Kinumpirma rin ng pamilya ang pagkakakilanlan ng biktima at sinabing mayroon itong history ng high blood pressure.

Ayon pa sa pamilya, naniniwala silang walang naganap na foul play at aksidenteng pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang kaanak.

Facebook Comments