
βCauayan City – Hinatulan ng korte ang isang lalaki matapos mapatunayang responsable sa malupit na pagpatay sa pusang gala na tinatawag na βPuti.β
βAng suspek na si Keyvic Abetria ay sinentensiyahan ng pagkakakulong ng isang taon, anim na buwan at isang araw at pinatawan din ng multang β±5,000 dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act.
βSa post ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), nabunyag ang insidente nang mapansin ni Celine na nawawala ang pusang madalas sumalubong sa kanya tuwing siya ay umuuwi mula sa trabaho.
βNakita sa CCTV footage na paulit-ulit na hinahampas ng suspek ang pusa gamit ang mabigat na metal na bagay habang ito ay naglalakad lamang sa bangketa.
βAyon sa ulat, matapos ang insidente ay inilagay pa umano ng suspek ang bangkay ng pusa sa isang itim na garbage bag bago umalis sa lugar.
βSa tulong ng PAWS, naisampa ang kaso na nagresulta sa pagkakaaresto at pagkakahatol sa suspek.
video credit: Philippine Animal Welfare Society (PAWS)/FB
Facebook Comments










