๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐—˜๐—˜๐—ฆ, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐——๐—ฅ๐—จ๐—š ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง

CAUAYAN CITY- Sinimulan kahapon ika-26 ng Hunyo ang Mandatory Drug Testing sa mga empleyado ng Munisipyo sa bayan ng Tumauini.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Civil Service Commission M.C. No. 13 series of 2017 kung saan minamanduhan ang mga public officials at mga kawani ng gobyerno na sumailalim sa drug test.

Ito’y bahagi ng pakikiisa ng LGU sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) at layunin nito na isulong ang ligtas at drug-free environment sa bayan ng Tumauini.


Facebook Comments