Saturday, April 11, 2026

𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗟𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗣𝗔𝗕𝗨𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗬 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡


‎Cauayan City — Nakikiramay ang Local Government Unit of San Manuel sa pamilya ni Lullete Jane “Jing” Ramilo de Guzman, dating beauty queen na nasawi sa pamamaril sa San Manuel, Isabela noong Pebrero 13.

Sa post ni Mayor Dondon Dy, inanunsyo nito ang ₱50,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na makatutulong sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na makipag-ugnayan agad sa San Manuel Police Station upang isumite ang anumang detalye na makakatulong sa imbestigasyon.

‎Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kanyang naging ambag at mabuting halimbawa sa komunidad kung saan inilarawan siya ng alkalde bilang isang dedikadong guro, mapagmahal at maalagang asawa at ina.

Ayon sa LGU, mananatiling buhay sa alaala ng pamilya at komunidad si “Jing,” na patuloy na igagalang at mamahalin ng lahat.

photo: DONDON DY/FB
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments