Saturday, March 7, 2026

‎𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗦𝗨𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗗𝗢𝗖𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

‎Cauayan City – Nakatakdang magbigay ng libreng issuance ng piling civil registry documents ang City Civil Registry Office ng Ilagan bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month 2026.

‎Isasagawa ang aktibidad sa ika-23 ng Pebrero mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa 1st Floor, City Civil Registry Office, Ilagan City Hall.

‎Kabilang sa mga dokumentong maaaring makuha nang libre ay ang local Birth Certificate, Marriage Certificate, at Death Certificate.

‎Ipinaalala rin sa mga personal na kukuha ng dokumento na magdala ng valid ID, at kung hindi makakadalo ang may-ari, maaaring ipadala ang kinatawan na may authorization letter at valid ID.

‎Ayon sa pamunuan ng tanggapan, layunin ng programa na mas mapadali at mapalawak ang access ng publiko sa mahahalagang dokumento ng civil registry.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments