
Cauayan City – Arestado ang dalawang magpinsan sa magkahiwalay na operasyon ng Dupax del Norte Police Station sa Purok Acacia, Brgy. Munguia.
Sa bisa ng search warrant, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas Pangas, 51 anyos, at Alyas Leo, 52 anyos, parehong magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Nadakip sila matapos makumpirma ang ilegal nilang pag-iingat ng mga baril at bala kung saan
Nakumpiska kay Alyas Pangas ang Isang caliber .45 Remington Rand Inc. USA, Dalawang magazine para sa cal .45, 92 na bala ng caliber .45, tatlong basyong bala ng caliber .45.
Nasamsam naman kay Alyas Leo ang isang improvised caliber .22, iba’t ibang bala para sa cal .22, cal .38, cal .45, M14, at 12 gauge shotgun, isang Colt MK IV Series 80 cal .45 na may serial number, Dalawang magazine para sa cal .45, Pitong bala na nakalagay sa magazine.
Dinala ang mga suspek at nakumpiskang baril at bala sa Dupax del Norte Police Station para sa imbestigasyon, habang mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.