π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—”, π—Ÿπ—œπ— π—”π—‘π—š π—•π—˜π—¦π—˜π—¦ 𝗑𝗔 π—¦π—œπ—‘π—”π—žπ—¦π—”π—ž π—‘π—š π—žπ—”π—œπ—‘π—¨π— π—”π—‘ π—‘π—œπ—§π—’

Nagtamo ng limang saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 34 – anyos na magsasaka kinilalang si Sherdon Caranto matapos umanong saksakin ng kainuman nitong si Jeremiah Manipon na residente ng Brgy. Pinmaludpod, Urdaneta City.

Sa salaysay ng witness na isa pang kainuman ng mga biktima, habang nag-iinuman ang tatlo ay nagkasagutan ang suspek at biktima na nauwi sa suntukan. Hanggang sa binunot na lamang umano ng suspek ang 12 pulgada na kutsilyo saka sinasaksak ang biktima.

Naaresto ang suspek at nakumpiska rin ang patalim na ginamit sa krimen. Kasalukuyang inihahanda ang kasong isasampa laban dito. /π’Šπ’‡π’Žπ’π’†π’˜π’”

Facebook Comments