๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ; ๐Ÿฏ ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ข ๐—ž๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—ฃ๐—จ๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—–๐—ง๐—ข๐—ฅ

Cauayan City – Binawian ng buhay ang mag-asawa habang nagtamo naman ng sugat ang isang taong gulang na anak ng mga ito maging ang dalawa pa nilang kasama matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Naguilian Police Station, nangyari ang aksidente sa kalsadang sakop ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Batay sa kanilang pagsisiyasat, bago mangyari ang insidente binabaybay ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima at ng Truck na minamaneho ni Edison Calipjo na siyang nakasalpukan nito ang magkasalungat na direksyon.


Nang makarating sa pinangyarihan, posible umanong pumutok ang gulong ng tricycle kaya’t bigla na lamang itong napunta sa kasalungat na linya dahilan para bumangga sa noon ay paparating na truck.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malalang pinsala sa katawan ang mag-asawang sina Dominic Denna at Rosalie Denna na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.

Samantala, nagtamo rin ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sina Domingo Denna at Mary Grace Denna habang maswerte namang hindi gaanong nasaktan ang isang taong gulang na anak ng dalawang nasawi.

Facebook Comments