๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฏ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—”๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐— ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐——๐—Ÿ๐—”๐—ง

Nasira ang hindi bababa sa 300 streetlights bahagi ng Brgy. Nagsaing, Calasiao, Pangasinan nang diumanoโ€™y matamaan ito ng kidlat.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagdala ito ng pangamba sa mga residente at mga motoristang napapadaan sa nasabing lugar.

Samantala, pahayag ng Nagsaing Barangay Council, mahigit 300 na streetlights ang napuruhan dahil sa kidlat dulot ng masamang panahon. Dagdag pa riyan ang mga CCTV sa barangay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang restorasyon ng mga nasirang streetlights at plano rin itong maisabalik nang agaran ngayong buwan.

Naglaan ng kalahating milyong piso ang barangay council mula sa annual budget nito para sa pagpapaayos ng mga nakidlatang streetlights. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments