π— π—”π—Ÿπ—œπ—–π—’, 𝗦𝗔𝗑 π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—¦, π—œπ—šπ—œπ—‘π—œπ—œπ—§ 𝗑𝗔 𝗣𝗔π—₯π—§π—˜ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Nanindigan si Governor Ramon Guico III na sakop ng lalawigan ng Pangasinan ang Brgy. Malico, sa bayan ng San Nicolas.

Kasunod ito ng umiiral na territorial dispute sa pagitan ng Pangasinan at Sta. Fe, Nueva Viscaya kung saan inaangkin ng kalapit na lalawigan ang Brgy. Malico na tinaguriang Summer Capital of Pangasinan.

Iginiit ni gobernador na hindi dapat kunin ang Malico sa San Nicolas na sa Pangasinan ang kinabibilangan nito.

Nangako ang Pamahalaang Panlalawigan na patuloy na dadalhin ang iba’t-ibang programa at proyekto tulad ng pang-imprastraktura, edukasyon at pangkalusugan sa naturang barangay.

Kinatigan at binigyang-diin din naman ni Mayor Alice ng San Nicolas na hindi papayag ang lokal na pamahalaan na angkinin o agawin ang Malico sa Pangasinan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments