๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ž๐—ง๐—œ๐—•๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ‘๐—”๐—š๐—˜๐—ช ๐—ก๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก’, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—”

Nakalinyang aktibidad ang inihahanda na ngayon para sa nalalapit na selebrasyon ng ika-77 na โ€˜โ€™Agew na Dagupanโ€™โ€™ sa Dagupan City.

Maghahatid ang lokal na gobyerno ng Dagupan ng mga libreng serbisyo para sa mga residente ng lungsod kung saan gaganapin sa araw ng Huwebes, June 20, 2024.

Ilan sa libreng serbisyong ilalaan sa araw na nakatakda mula sa City Health office ay ang libreng dental at medical tulad ng ECG, fasting blood sugar, urinalysis, x-ray at marami pang serbisyong medikal.

Maging ang tanggapan ng City Veterinary Office ay maghahatid rin ng libreng serbisyo para naman sa mga alagang hayop habang magbibigay ng assistance ukol sa libreng kasalan ang tanggapan ng City Population Office Family Planning.

Kasama rin ang Civil Registry Office para sa libreng birth certificate at LTO at POSO para sa nais samantalahin ang pagpaparehistro para sa Free Theoretical Driving Course.

Ilan lamang ito sa mga serbisyong ihahatid ng LGU dahil magkakaroon rin ng iba pang programa na gaganapin rin sa paggunita ng selebrasyon. |๐’Š๐’‡๐’Ž๐’๐’†๐’˜๐’”

Facebook Comments