Naniniwala si Dagupan City Mayor Fernandez na magtutuloy-tuloy na ang pag-iimplementa ng mga programa sa lungsod.
Inihayag ng alkalde sa naging panayam nito sa isang media conference na natatanaw umano ang malaking pag-asa para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto na mapapakinabangan ng mga DagupeΓ±os.
Kasunod ito ng inaasahang mabilis na pagdinig at pagproseso sa mga ipinanukala at iminungkahing mga resolusyon at ordinansa gayong mananatili pansamantala ang mga miyembro ng minorya sa pangunguna sa iba’t-ibang komite.
Kahapon lamang sa naganap na regular session, pasado na ang supplemental budget 2 ng lungsod na kinabibilangan ng mga matagal nang kailangang maisakatuparan sa pagtugon sa usaping kalusugan, edukasyon, imprastraktura, kalikasan at iba pa.
Samantala, nagpapatuloy ang mga in-house programs na LGU Dagupan na may layong mailapit sa mga DagupeΓ±os ang mga serbisyo ng lokal na gobyerno. |πππ’π£ππ¬π¨