
Cauayan City – Ibinahagi ng Department of Agriculture Regional Crop Protection Center (DA-RCPC) ang mga paraan upang labanan ang mapanirang Rice Black Bug o Itim na atangya.
Ang rice blug bug ay isa sa mga peste na sumisira sa mga pananim na palay na karaniwang nasa ilalim na parte ng palay kapag walang maayos na patubig na madalas nagiging dahilan kung bakit laman ang butil ng palay, natutuyo ito, madumi ang mga butil, may bug burns, at white heads.
Upang malabanan peste, dapat ugaliin ang paggamit ng tamang dami ng abono, dekalidad na binhi, paggamit ng light trap upang matukoy ang kanilang presensya at Metarhizium SP sa pagkontrol, pagpapanatili ng kalinisan, at palagiang pagbisita sa palayan.
Samantala, ayon sa datos ng DA-RCPC kaugnay sa infestation rate ng peste sa Rehiyon mula taong 2019 hanggang 2024, pinakamataas na apektado ay ang lalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya na may 14% average infestation rate na sinundan ng Isabela na may 12%, at Quirino na may 6%.
Paalala ng ahensiya na maaring magtungo sa City at Municipal Agriculture Office, o kaya sa kanilang tanggapan upang magabayan sa mga dapat gawin upang puksain ang atangya sa palayan.