𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗨𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

CAUAYAN CITY – Apektado ang ilang mga tindang live chicken o cull sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan dahil sa mainit na panahon.

Ayon kay Ginang Michelle, isang cull vendor, dahil sa init ay may mga pagkakataon na nakikita na lamang nilang nanghihina na ang mga ito at hindi na makakain.

Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari ay pinapainom nila ang mga bentang manok araw-araw at minsan ay binubujas din ng tubig para mapreskuhan ang mga ito.


Sa kabila nito ay maayos naman umano ang bentahan ng mga live chicken o cull sa merkado. Aniya, may nabebenta sila ngayong buwan ng Marso kumpara nitong nakalipas na dalawang buwan.

Dagdag pa nito na kada araw ay nasa 23-40 culls ang kanilang nabebenta. Swertehan na lang umano kung nakakabenta sila hanggang 60 culls sa isang araw.

Samantala, nasa 170 pesos ang bentahan ng cull kada kilo habang sa B-cull naman ay nasa 450 per kilo.

Facebook Comments