๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—” ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—”๐—–๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang singkwentaโ€™y – siyete anyos na lalaki matapos mabangga ang minamaneho nitong motor ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada sa bayan ng San Jacinto.

Ang biktima ay nakilalang si Crispin Abuan tubong Bauang, La Union.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas sais ng umaga sa Brgy. San Vicente habang sakay ng motor ang biktima ng bigla umanong may tumawid na aso at mabangga ito.

Dahil dito ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad naman naisugod sa pagamutan habang patuloy naman ang paalala sa mga pet owners na maging responsable sa kani-kanilang mga alaga. |๐’Š๐’‡๐’Ž๐’๐’†๐’˜๐’”

Facebook Comments