𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—œπ—¦π—§π—” π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘ π—›π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑 π—”π—‘π—š π—•π—”π—–π—žπ—₯π—œπ——π—˜ π—‘π—œπ—§π—’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—žπ—”π—Ÿπ—”π——π—Ÿπ—”π—— π—‘π—š 𝗧π—₯π—”π—ž 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 𝗖𝗔π—₯π—Ÿπ—’π—¦ π—–π—œπ—§π—¬

Nabangga at nakaladkad ng isang trak ang motor na minamaneho ng 18 anyos na binatilyo kinilala bilang si Jericho Vinluan at backride na si Carlito Santillan pawang residente ng Brgy. Magtaking, San Carlos City.

Sa imbestigasyon, habang nagpapatakbo ang trak ay nabangga nito ang motor ng mga biktima na patawid umano nang mangyari ang insidente. Natumba ang mga biktima at nakaladkad pa umano ng trak.

Naitakbo pa sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng malubhang injuries sa ibat-ibang bahagi ng katawan ngunit idineklarang dead on arrival ang back ride nito.

Hindi naman nagtamo ng sugat ang driver ng trak at kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments