Problema ng mga residente sa isang bahagi ng Barangay Libsong East, Lingayen, ang nababarang drainage malapit sa kanilang mga kabahayan lalo na sa tuwing may pag-ulan.
Ayon sa ilang residenteng, nahirapan umano sila dahil sa mataas na lebel ng tubig sa mga kabahayan sa kasagsagan ni Bagyong Kristine dulot ng storm surge.
Naging mabagal daw kasi umano ang pagbalik ng tubig dahilan ang baradong drainage ng buhangin.
Panawagan din ng mga ito na sana ay malinis ang drainage upang madali ang paghupa ng tubig.
Samantala, humupa na ang lagpas tuhod na baha sa kahabaan ng Libsong East matapos magsagawa ng dredging operations ang awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments