𝗡𝗧𝗖 𝗥𝗢𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗔𝗠

Nagpapaalala ang National Telecommunications Commission (NTC) Regional Office 1 sa publiko sa mga naglipanang scam ngayon.

Ayon sa kay NTC-Region 1 Legal Officer, Atty. Ana Minelle Maningding, dapat na maging mapanuri ang publiko sa mga natatanggap na text o mga online messages dahil ginagawa ng negosyo ng mga scammer ang ganitong modus.

Aniya, dumarami umano ang naitatalang kaso ng bansa sa Phishing at Vishing na isa ring uri ng scam.

Samantala, sa mga klase naman ng panloloko na may kaugnayan sa pera tulad ng e-wallet scamming at perang nanakaw sa pagpapadala ay hindi na umano sakop ng tanggapan Kundi ito ay sakop na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments