š—¢š—™š—Ŗš˜€ na biktima ng pekeng trabaho, nš—®š—øš—®š—øš˜‚š—¹š—¼š—»š—“ ngayon š˜€š—® š— š—®š—¹š—®š˜†š˜€š—¶š—® — DMW

12 Overseas Filipino Workers (OFWs) na kinabibilangan ng 4 lalaki at 8 babae ang nakakulong ngayon sa Malaysia matapos pumasok sa nasabing bansa gamit ang pekeng entry permits o stamps patungong Laos.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), inalok sila ng mga illegal recruiter sa Telegram na nagpakilalang sina HR Ara at Joey para maging call center agents na may sahod na ₱50,000 kada buwan.

Nalaman lamang ng mga biktima na peke ang trabahong inalok sa kanila nang hulihin sila sa Malaysia.

Ayon sa DMW, mula Manila, dinala sila patungong Puerto Princesa, Palawan at maraming lalawigan sa Mindanao bago sila itinawid patungong Sabah hanggang makarating sa Kota Kinabalu sa Malaysia gamit ang pekeng dokumento.

Naaresto sila sa border ng Malaysia at Thailand at nahatulan nitong March 20, 2025.

Sa tulong ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur at DMW-MWO sa Kuala Lumpur, ibinaba ang sentensiya laban sa 12 Pinoy sa tatlong buwan.

Nakakulong ngayon ang mga lalaking Pinoy sa Perlis at ang mga babae sa Kedah, at inaasahang makakalaya sa June 2025.

Muli namang nagbabala ang DMW sa publiko na mag-ingat sa mga alok ng trabaho online.

Facebook Comments