𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Isinusulong sa bayan ng San Juan sa La Union ang pagbabayad online ng mga turista para sa Environment Protection and Patron Fee.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at isang mobile payment upang maisakatuparan ang naturang proyekto.

Ang environmental protection at patron fee na nagkakahalaga ng P50 ay ilalaan sa maintenance at pagpapaganda ng mga tourist spots sa San Juan, Luna at Bauang.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang maagap na pagsunod sa ipinatutupad na ordinansa upang mapangalagaan ang mga pook pasyalan at suportahan ang turismo ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments