
CAUAYAN CITY – Naging maayos at mapayapa ang naganap na pagpapalitan ng mga bilanggo sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ayon sa ulat, tatlong Israeli hostages ang pinalaya ng Hamas sa Gaza kapalit ng 183 Palestinians prisoners.
Isinagawa ang naturang palitan bilang bahagi ng ceasefire deal ng dalawang panig noong nakaraang buwan.
Batay pa ulat, mas naging maayos ang nasabing aktibidad bagamat maraming mga armed fighters ang nagkalat sa lugar upang magsagawa ng crowd control.
Halo-halo namang emosyon ang naramdaman ng mga pamilya ng mga napalayang hostage at umaasa ang mga ito na matatapos na ang kaguluhan ng dalawang panig upang makasama rin ng iba pa ang kanilang pamilya.
Facebook Comments