π—£π—”π—šπ—£π—”π—¦π—’π—ž π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š π—§π—”π—š-π—¨π—Ÿπ—”π—‘, π—œπ——π—œπ—‘π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯𝗔 𝗑𝗔 π—‘π—š π—£π—”π—šπ—”π—¦π—”

Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang umpisa ng panahon ng tag-ulan ngayong araw ng Miyerkules, May 29, 2024.

Sa datos ng weather bureau, ang mga pag-uulan sa mga nakalipas na araw, localized at frequent thunderstorms maging ang Typhoon Aghon at Southwest Monsoon o Habagat ay mga naging salik sa pagdeklara ng panahon ng tag-ulan.

Kasalukuyang nakararanas naman ngayong hapon ang iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan ng mga kalat kalat na pag-ulan.

Samantala, patuloy na nakatutok ang PAG ASA sa weather at climate situation ng bansa, at pinaalalahanan ang publiko kaugnay na nararapat na hakbangin bilang paghahanda sa tag-ulan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments