Hinikayat ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 ang bawat Local DRRMOs sa buong Ilocos Region ang ibayong paghahanda sa epekto ng nararanasangBagyong Nika sa rehiyon.
Isa sa binigyang-diin ng pamunuan ay ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation, ito ay sa kabila ng hindi pa masyadong ramdam na paghagupit ng bagyo.
Partikular dito ay ang mga tinukoy na kabilang sa high risk areas o mga nakatira o malapit sa low-lying, coastal dahil sa banta ng pagbaha maging ang mga nasa landslide prone
areas.
Kaugnay nito, hinimok ang paghahanda ng mga residente na nasa coastal communities partikular sa mga bayan at lungsod sa mga lalawigan na may nakataas na storm surge warning dahil inaasahan ang nasa isa hanggang dalawang metrong pagtaas sa lebel ng tubig.
Samantala, kasalukuyang may nakataas na TCWS sa apat na lalawigan sa Rehiyon Uno.|πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments