𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗢. 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng tulong pang-edukasyon at pangkabuhayan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga residente ng Cabagan at Sto. Tomas, Isabela bilang bahagi ng kanilang suporta sa mamamayan.

Sa ilalim ng programa para sa edukasyon, kabuuang Php6.4 milyon ang naipamahagi bilang educational allowance para sa 2,061 BRO-Ed Scholars sa ikalawang semestre ng School Year 2023-2024.

Samantala, sa programang I-Rise, nakatanggap ng kabuuang Php2.9 milyon ang 2,054 benepisyaryo bilang tulong pangkabuhayan.


Kabilang sa mga benepisyaryo ang ambulant vendor, food vendor, enterprising PWD, welder, sastre, sapatero, barbero, beautician, butcher, carpenter, stevedore, garbage o junk collector, retired BHW, at masahista.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ng tulong pinansiyal ang 1,790 benepisyaryo sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF), bilang suporta sa mga Isabeleñong apektado ng nagdagaang tagtuyot at bagyo.

Facebook Comments