𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗧𝗜𝗟𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗩𝗢𝗨𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦𝗖𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔

Cauayan City – Nagbigay ng ngiti at tuwa sa bawat magsasaka ang libreng fertilizer voucher na ipinamahagi ng City Agriculture Office sa Barangay San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Barangay Captain Heherson Miranda, naging mapayapa ang distribusyon ng voucher sa kanilang barangay.

Gayunpaman, ikinalungkot ng mga magsasaka ang balita na babawasan ang budget sa fertilizer voucher at hindi na per cropping ang pamamahagi sa susunod na pagkakataon ngunit magpapatuloy parin ang pamamahagi ng mga binhi.


Bukod dito, marami ang naitalang nasirang pananim dahilan ng kanilang pagka lugi bunsod ng pabago-bagong klima at tag-ulan lalong lalo na ang palay dahil ito ang kanilang pangunahing produkto.

Bukod sa palay, produkto rin nila ang mais at ilang mga gulay na nasira rin dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga magsasaka sa libreng fertilizer dahil hindi rin biro ang presyo nito sa merkado.

Facebook Comments