
Cauayan City – Ibinahagi ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Cauayan ang pagsasagawa ng selebrasyon ng Autism and Down Syndrome Consciousness Week ngayong buwan ng Pebrero.
Ayon kay PDAO Head Jonathan Galutera, katuwang sa gagawing aktibidad ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng mga Special Education (SPED) Centers.
Bukod dito, ibinahagi rin niya na may pondong inilaan ang Cauayan City Government para sa therapy ng mga mamamayang may Autism at Down Syndrome.
Sinabi rin nito na malaking tulong ang pagkakaroon ng mga ganitong selebrasyon upang mabigyang pansin ng publiko ang mga ganitong uri ng karamdaman.
Inihayag din ni Ginoong Galutera na ang mga taong kabilang sa Autism and Down Syndrome Community ang kadalasang nakakaranasan ng discrimination at nahihirapang makatanggap ng serbisyo kung kaya’t malaking tulong ang mga ganitong aktibidad upang maibigay ang mga nararatapat na serbisyo sa kanila.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










