𝗣𝗛𝗣 πŸ―πŸ¬πŸ²π—ž π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—” π—‘π—”π—¦π—”π—žπ—’π—§π—˜ 𝗦𝗔 π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π——π—”π—§π—œ π—‘π—”π—‘π—š 𝗑𝗔𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—’ 𝗦𝗔 𝗣𝗔π—₯π—˜π—›π—’π—‘π—š π—žπ—”π—¦π—’

Nasabat sa dalawang lalaki na itinago sa alyas “Kwarog” at “Papar” pawang residente ng Umingan ang PHP 306, 000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad.

Ang mga suspek ay dati nang naaresto sa parehong kaso at tinukoy na nagpapakalat ng ilegal na droga sa mga bayan ng Umingan, Tayug, Sta. Maria at maging sa ibang bayan sa ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan.

Sa kamakailan lamang na operasyon, nakumpiska sa mga ito ang humigit kumulang 45 grams ng hinihinalang shabu, 15 piraso ng machine copied 1000 peso bill bilang boodle money at iba pang kagamitan.

Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso na haharapin ng mga suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments