𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗖𝗥𝗔𝗦𝗛, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗔𝗗𝗘𝗟𝗣𝗛𝗜𝗔

CAUAYAN CITY – Isang plane crash ang nangyari sa Philadelphia kung saan pitong katao ang nasawi sa naturang aksidente.

Kinumpirma ni Cherelle Parker, Mayor City of Philadelphia na sakay ng medical transport plane ang isang bata, isang ina, dalawang piloto, isang doctor at paramedics – pawang mga Mexican nationals.

Ayon naman sa mga kuhang video, wala pa umanong isang minuto matapos ang paglipad ng nabanggit na eroplano nang bigla itong bumagsak sa lupa at umapoy, dahilan ng pagkasawi ng mga 6 na sakay nito at isang person on the ground.


Sa isa namang news conference, binanggit ni Philadelphia city managing director Adam Thiel na tatagal pa umano ng ilang araw o linggo ang gagawing imbestigasyon ng mga officials bago makumpirma kung ilan ang kabuuang bilang ng mga nasawi at mga nasugatan sa insidente.

Samantala, ayon pa sa ulat, ang naturang sakay na bata ay katatapos lamang sumailalim sa isang medical treatment para sa kanyang life-threatening illness sa Shriners Children’s Hospital at bago mangyari ang insidente ay nagkaroon pa umano ng party para sa bata ang staff ng nasabing pagamutan.

Facebook Comments