𝗣𝗢𝗦𝗗, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Pinaalalahanan ng ahensya ng Public Order and Safety Division sa pangunguna ni POSD Chief Pilarito Mallillin ang mga motorista na maging responsable sa kalsada.

Ayon kay Mallillin, mahalaga ang pagsunod sa batas trapiko hindi lang upang makaiwas sa multa kundi para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Dagdag pa niya, ng pagiging disiplinado sa daan ay makakatulong upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa lansangan.

Patuloy ang operasyon ng Public Order and Safety Division laban sa mga kolorum na sasakyan upang matiyak ang ligtas at maayos na transportasyon sa lungsod.

Hinihikayat din ng ahensya ng Public Order and Safety Division ang mga residente na makipagtulungan at ireport ang mga ilegal na sasakyang pumapasada upang mas mapabilis ang aksyon ng mga awtoridad

Facebook Comments