𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗚𝗔𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟴𝟮%

Cauayan City – Tumaas ang posibilidad ng isang megaquake sa bansa sa 82% sa loob ng susunod na 30 taon.

Ayon sa mga eksperto, maaaring umabot ang lindol sa magnitude 8 o 9 at posibleng magdulot ng napakalaking tsunami, pagkasira ng mga ari-arian, at pagkamatay ng daan-daang libo katao.

Ayon naman sa Earthquake Research Committee, itinaas nila ang pagtataya mula 74-81% patungong 75-82%.


Ang inaasahang lindol ay nagmumula sa Nankai Trough, isang 800 kilometers undersea gully na nasa silangang baybayin ng Japan, kung saan ang tectonic plate ng Philippine Sea ay unti-unting sumasalpok sa ilalim ng continental plate ng Japan.

Sa nakalipas na 1,400 years, ang mga megaquake sa Nankai Trough ay nagaganap kada 100-200 years, at ang huli ay noong 1946.

Sa kasaysayan, ang pinagsamang paggalaw ng lahat ng segment ng Nankai Trough noong 1707 ang nagdulot ng ikalawang pinakamalakas na lindol sa Japan, na sinundan pa ng mga malalakas na lindol noong 1854, 1944, at 1946.

Facebook Comments