CAUAYAN CITY – Binigyan ni US President Joe Biden ng presidential pardon ang 39 Americans habang binawasan rin nito ang sentensya ng halos 1,500 katao.
Ito ay matapos pagdesisyonan ni Biden na ipagkaloob ang pardon o pagpapatawad sa kanyang anak na si Hunter Biden.
Sa anunsyong nilabas ng Β White House, ang tatlumpung siyam katao na nabigyan ng pardon ay mga nahatulan ng non-violent offenses o non-violent drug offenses, at ilan din sa mga ito ay dating elected officials na nahatulan ng multi-dollar fraud schemes.
Ang ilan naman sa mga nabawasan ng sentensiya ay mga taong nasa home confinement noong panahon ng pandemya at nakitaan ng pagbabago sa kanilang buhay.
Matatandaan na noong Oktubre taong 2022 ay nagpatupad din si Biden ng full pardon sa mga taong nahatulan ng kasong simple possession of marijuana at iba pang marijuana-related offenses.
Si President Joe Biden ay nakatakdang bumaba sa kanyang pwesto sa ika-25 ng Enero sa susunod na taon kung saan ay papalitan siya ni President-elect Donald Trump.