
Cauayan City – Naglabas ng scam alert ang mga awtoridad kaugnay ng isang umano’y pekeng Viber account na gumagamit ng pangalang “Rodito Albano” na may kalakip na Philippine flag emoji, na iniulat na sangkot sa pang-scam sa publiko.
Batay sa ulat, ang nasabing mobile number na konektado sa Viber account ay kasalukuyang pinatatakbo umano ng isang scammer.
Pinayuhan ang publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga mensahe o tawag na nagmumula sa naturang account, lalo na kung ito ay humihingi ng pera, personal na impormasyon, o anumang sensitibong detalye.
Ayon sa paalala, mahalagang iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na impormasyon sa hindi beripikadong account.
Bukod pa rito, kaagad na i-report o i-block ang mga kahina-hinalang numero, siguraduhin ring legit ang pagkakakilanlan ng kausap bago makipagtransaksyon.
Dahil dito hinihikayat ng mga awtoridad ang mga residente na agad na iulat sa kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente upang maiwasan ang pagdami pa ng mabibiktima.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa paggamit ng social media at messaging applications upang hindi mabiktima ng online scams.
📸: ISABELA PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










