𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗦, 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗡𝗔

Cauayan City – Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na nasa 8 na lamang ang nalalabing miyembro ng Counter Terrorists Group sa Lambak ng Cagayan.

Sa isang press briefing ng Philippine Information Agency Region 02, sinabi ni Brigadier General Eugene M. Mata, commander ng 502nd Infantry Brigade na ang mga natitirang rebelde ay nasa mga baybayin ng Isabela, partikular sa Palanan at San Mariano.

Pinamumunuan umano ang grupo ni Edgar “Ka Simoy” Bautista, kung saan umaasa na lamang ang mga ito sa suporta ng Indigenous Peoples (IPs) na nasa lugar.


Dagdag pa ni Brig. Gen. Mata, wala nang kakayahan ang grupo na mag-recruit ng bagong miyembro dahil nawala na ang tiwala ng taumbayan sa kanila.

Mayroon na ring rekomendasyon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ideklarang “insurgency-free” ang Isabela, tulad ng Quirino, Nueva Vizcaya, at Cagayan.

Facebook Comments