
β
βCauayan CITY β Tumanggap ng β±150,000 na tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region II ang Balanni Alliance for Peace and Development, isang peopleβs organization na nakabase sa Barangay Centro, Solana, Cagayan, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensiya.
β
βPinangunahan ni DSWD Region II Director Lucia Suyu-Alan ang pamamahagi ng pondo na isinagawa sa pakikipagtulungan ng 17th Infantry Battalion. Tinanggap naman ang tulong ng mga miyembro ng organisasyon sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Mauricio Aguinaldo.
β
βAyon sa DSWD, ang pondong ipinagkaloob ay ilalaan sa pagtatayo ng kulungan ng kambing na magsisilbing pangunahing puhunan ng kanilang proyektong pangkabuhayan. Inaasahang ang goat farming ay makatutulong sa pagpapalakas ng suplay ng pagkain, pagdaragdag ng kita, at pag-angat ng kabuhayan ng mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya.
β
βBinigyang-diin din ng ahensiya ang kahalagahan ng maayos at ligtas na pasilidad sa pangangalaga ng mga alagang hayop upang mapataas ang produksyon at matiyak ang pangmatagalang tagumpay ng proyekto.
β
βLayunin ng Sustainable Livelihood Program na ihanda ang mga peopleβs organization upang maging mas matatag, sapat sa sarili, at aktibong makapag-ambag sa pangmatagalang pag-unlad ng kanilang komunidad.
β—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










