Sunday, August 16, 2026

π—£πŸ­πŸ³πŸ²π—ž π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—žπ—”π—›π—’π—¬, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 π—’π—£π—˜π—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—š 𝗀𝗣𝗣𝗒

Cauayan City – Arestado ang dalawang lalaki na kinilala sa mga alyas na “Dong” at “Tisoy” matapos maaktuhan sa umano’y ilegal na pagpoproseso ng kahoy sa isinagawang anti-illegal logging operation ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) sa Barangay Jose Ancheta, Maddela, Quirino noong ika-11 ng Hulyo.
β€Ž
β€ŽPinangunahan ng Quirino Provincial Intelligence Unit ang operasyon kasama ang 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company at Maddela Police Station.
β€Ž
β€ŽSa operasyon, nasamsam ang isang chainsaw at 179 na piraso ng tablang kahoy na pinaniniwalaang ilegal na nakuha.
β€Ž
β€ŽAyon sa pulisya, ang mga nakuhang kahoy ay tinatayang aabot sa 2,200 board feet na may kabuuang halagang humigit-kumulang β‚±176,000.
β€Ž
β€ŽNahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines at Chain Saw Act of 2002.

Facebook Comments