
Cauayan City – Nasakote ng mga awtoridad ang isang 22-anyos na lalaki matapos ang buy-bust operation na isinagawa ng San Manuel Municipal Police Station sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.
βKinilala ang suspek na si alyas βPejay,β at residente ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.
Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa mga newly identified individuals na sangkot umano sa ilegal na droga sa lalawigan.
βNakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 2.8 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P19,040.
βNarekober din ng mga operatiba ang buy-bust money na P6,000, isang cellular phone, pouch na may lamang pera, at motorsiklong walang plaka.
βMahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, tiniyak naman ng Isabela Police Provincial Office na ipagpapatuloy nila ang mas pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang ligtas at mapayapang komunidad sa lalawigan.










