
Cauayan City โ Tumanggap ng P50,000 insentibo ang 42 mag-asawang mahigit 50 taon nang nagsasama sa Nueva Vizcaya.
Bahagi ito ng Enduring Devotion Ordinance ng Provincial Local Government Unit (PLGU).
Ang programang ito ay nagbibigay-pugay sa matibay na pagsasama ng mag-asawa, na itinuturing na pundasyon ng matatag na pamilya at maunlad na lalawigan.
Mula noong December 2024, umabot na sa 50 mag-asawa ang nakatanggap ng nasabing insentibo.
Sa kasalukuyan, mahigit 900 na ang aplikante para sa programang ito, na inaasahang magbibigay-inspirasyon sa kabataan upang pahalagahan ang matatag at panghabambuhay na pagsasama sa kabila ng hamon ng buhay.
Facebook Comments