
βISABELA – Pinalawak ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang kampanya para sa responsableng pagmamay-ari ng baril sa pamamagitan ng pagsasagawa ng LTOPF at Firearms Registration Caravan na dinaluhan ng mahigit 200 firearm owners at mga aplikante.
β
βSa pangunguna ng Provincial Government of Isabela sa pamamagitan ng Public Safety Office (PSO), inilapit sa mga residente ang iba’t ibang proseso at serbisyong kinakailangan sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms at pagpaparehistro ng mga armas.
β
βNaglaan ang mga katuwang na ahensya ng neuropsychiatric examination, drug testing, police clearance at iba pang dokumentong kailangan ng mga aplikante upang mapabilis ang kanilang mga transaksyon.
β
βKasabay nito, nagsagawa ang MEPSA Gun Club ng gun safety seminar na nakatuon sa wastong paggamit, ligtas na paghawak at responsableng pag-iingat ng mga baril.
β
βBahagi ito ng pagsusulong ng mas mahigpit na kamalayan sa kaligtasan, lalo na sa gitna ng mga naitatalang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa baril sa mga paaralan sa bansa.










